Oras ng Tahimik

Habang mag-isa sa sulok na dalanginan

ay nagsusulat ng mga hinaing

panukala panagimpan

Pinakikinggan Niya ang mga salita

Nalalaman ang hinuha paalam

At alam din Niya ang mga pabula ng

dila panayam mga pasinaya

Walang mananatiling lihim

o hiwaga ng isip at pangangatawan

Walang hahayaang maligaw sa

tanong mga pagkagulat

Maraming salamat

Sa pananatili ng liwanag

pag-aagam agam sa dudang paggiliw

pamimintuho ng pag-ibig

Maraming salamat

Sa pag-igpaw ng wika

sa dibdib ng maliw sa walang hanggan

Pahintulot na makapasok

sa sinapupunan ng Iyong Salita.

Quiet Time

Alone in the corner—
praying, writing:
petitions, dreams, visions.

He listens,
each word thick with the scent
of looming goodbyes.

He knows tongues and fables,
curiosities, projections—

no thought or flesh
remains hidden.
Nothing is lost
to doubt or wonder;
he allows no shock
to linger.

Thank You.

That light persists
even in the fog of doubt,
and grace—
ever searching—
still finds love.

Thank You.

Words brim with wisdom,
spilling into eternity—
graceful entries
into the womb
of Your Word.

copyright by ninangjatwordhouse.com 2025


Discover more from THE Y.A. BOW

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment